An article as food for thought...
Type kita. Ako ang unang pangalan sa tabi ng puso sa lahat ng Instagram posts mo. Combo ang retweet at favorite ko sa tweets mo. Tambay ako ng Facebook profile mo. Silently, tagatawa ako sa mga korni mong knock-knock joke posts. Ewan ko, parang ang dali-daling i-like ang posts mo, kahit emoticon lang. Di pa naman ako umaabot sa mga papansing "Nakauwi ka na ba?" texts. Hindi naman ako sobrang pa-obvious. Iisipan ko ng rason para i-text ka araw-araw. Yung tipong parang "by the way" lang pero "usap naman tayo"-text talaga. In this way, feeling ko stronger yung connection natin.
Ok, parang creepy stalker na ang description ko niyan. Ang totoo, close friends tayo. Di naman yung level na first choice mo kong share-an ng BFF fries, pero we have occasional personal talks. In a group of friends ba. Siyempre, di mo alam na secretly, nagsa-somersault ang puso ko pag kausap ka. Leche kasi, ang ganda mo, kinikilig pati mga dahon. Parang fragile ang personality at dating mo. Sobrang amo ng face mo; makakalimutan yung utang ng Pilipinas, titigan ka lang. Kaya di ko nga maintindihan kung bakit assholes yung nagugustuhan mo. Pinapaiyak ka or lolokohin ka or di ka mamahalin nang todo, yung way na deserve mo. Average lang. Di special.
Tinanong naman kita: ano ba talaga gusto mo sa lalaki? Actually, madami na kong tinanong niyan at halos pare-pareho kayo ng sinasabi: 1)hindi kayo tumitingin sa itsura, 2)matalino at may sense kausap, 3)may sense of humor, 4)dependable/honest/faithful/(insert abstract positive attribute here), 5)di kayo tumitingin sa yaman, basta masipag/maparaan at kaya kang alagaan, among others. Eh katarantaduhan naman pala yang mga standards na yan eh. Bakit yung last boyfriend mo na hawig ni Richard Guttierez na akalang fairies ang mga Gypsies, tumagal ka ng 2 years? Madalas pa kayong mag-away niyan ha. (A little secret lang, 2 weeks before kayo magbreak, tinanong niya ko kung tungkol daw ba sa Africa yung Hunger Games.) Yung ex mong may kotse at condo pero nagpapadeliver ng ulam araw-araw at nagpapalaba at nagpapaplantsa sa nanay niya? 1 year din yun, on and off, plus free tutorials sa assignments niya. At yung isa na kamukha ni Daniel Padilla na may mga babaeng kasindami ng na-link kay Robin Padilla? Pati yung MU mong ginawa kang punching bag for 2 years, nasa championship na ba siya?
Nagstandards ka pa. Ako lahat yung dinescribe mo eh. Pero ako yung kabaligtaran ng dating history mo. Oo, alam ko mayroon kayong happy moments. Pero yun yung operative word: mayroon. Minsanan lang? Pag trip lang niya? Pag nilagnat lang siya? Wag ka na mag-rason na lahat ng relationships dumaraan talaga sa ups and downs. Saan dumaan yung sa inyo: sa roller coaster na may loops na kasindami ng isla ng Pilipinas? Malaking difference ng "mayroong happy moments" sa "happy na mayroong tampuhan". Hindi yung World War every week.
Sabi nga nila, mahirap sabihin kapag totoo. Di ko masabi sayo. Saan ako lulugar sa itsura ng mga exes mo? It shouldn't get in the way, pero yun yung lumalabas eh. Nagiging reality yung song ni Andrew E. Nagrereklamo ka na walang matinong lalaki, yet you fall with the next good-looking doofus around. Pag may matinong liligaw o magpapahangin o even magpapakilala sayo, either friendzoned o hookzoned. Di sa nagbubuhat ng sariling bangko pero kung ako lang, di ko makakalimutan birthday mo or monthsary natin. Buong araw akong magreresearch para mapasaya ka kinabukasan. Di ako magiging jejemon at boring. Makikinig ako, mananahimik pag kailangan. At higit sa lahat, mamahalin kita. Dahil di pa man ako nabibigyan ng chance, yun na ang alam kong gawin.
Kaya nung nakita kita kanina, may kasamang bago, sabay-sabay ang roll eyes, gasp at heartpain pang. Holding hands. Daig pa yung namatay si Gwen sa Spiderman 2 at pagkawala ng MH370 combined. A month ago lang, sabi mo, gusto mo na ng matinong lalaki, yung papasa sa listahan ng standards mo. Pagod ka na. Gusto mo na yung pangmatagalan. Eh yun na naman eh. Coco Martin nga itsura, Remy Martin lang naman laman ng utak. Ni hindi mo nga siya makausap with foreign politics or TV series or kahit anong interests mo. Kailan pa naging si Fidel Ramos ang pinatalsik sa EDSA I? Tinanong nga niya ako kung nabalik ba sa zoo yung Wolf of Wall Street.
So stick ka na sa choices mo. Ganun na siguro ang resolution dito. Sorry kung ganito yung tono nito. Sobrang naiinis lang ako; hindi sayo kundi sa mundo. Sa society at sa standards nito. Sa media at sa mga judger na tao. Sa psyche na nagpapatakbo sa pagpili ng housemates sa PBB. Sa pretentious right that trumps just. Sorry rin kung dito ko dinaan. Hindi dahil wala akong lakas ng loob na aminin sayo. Choice mo rin naman na hindi pansinin eh. Yung ibang guys, ibili ka lang ng drink sa bar or hingin number mo, may gusto na sayo. May boyfriend material appraisal ka kaagad. Ako, naka-ilang dinner treats at hatid sa bahay na, candidate pa rin ng Lotlot & friends.
For me, subukan kong mag-move on. Maaaring di ko maaalis yung feelings. Maaaring habambuhay akong aasa, ala Ted kay Robin. Pero susubukan ko. Mahirap din umibig sa tanga - makes me more tanga. Sobrang funny kasi di siya nakakatawa. Dumaan yung relationship na ako lang nakakaalam. Ok lang. Kung sakali naman, pag nakita tayo ng mga tao together, tipong "doesn't make sense" ang reaksyon. I don't blame you. Ganun talaga ang society. Pero my two cents worth lang, kung pagod ka na talaga at yung standards mo talaga ang gusto mo, ipaglaban mo kahit sa sarili mo. And it will be worth it, sigurado ako.